17 na sundalo at 36 volunteer fighters, nasawi matapos ang engkuwentro laban sa mga militante sa Burkina

HINDI bababa sa 17 na sundalo at 36 volunteer fighters ang nasawi matapos ang sumiklab na madugong engkuwentro laban sa mga militante sa Northern Burkina Faso.

Ayon sa pahayag ng hukbong sandatahan, naganap ang sagupaan sa probinsya ng Yatenga, Burkina, matapos nilang subukan na sakupin ang teritoryo nito nang mapayagan ang mga displaced na indibidwal na makabalik sa kanilang tirahan at atakehin ng mga militante sa nasabing lugar. 

Konektado ang nasabing pag-atake sa Islamic State of Iraq and the Levant-ISIS at al-Qaeda na nakapaslang na ng lampas libong katao, nagpaalis sa higit dalawang milyong indibidwal, at nagtulak sa laksa-laksang tao sa bingit ng kagutuman.

Dagdag pa nila, ito ang maituturing na pinakamalalang pag-atake ng mga militante sa bansang West Africa sa loob ng maraming taon na pakikipaglaban sa mga ito. ###Johnoah Mae A. Zepeda

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *