178 na kaso ng pang-aabuso sa mga kababaihan naitala sa Camarines Sur ngayong 2023

NAGA CITY –Umabot sa 178 lahat ang naitalang  biktima ng Violence Againts Women and Their Children, batay sa inilabas na datus ni  Police Executive Master Sergeant Arlene Regachuelo ng Women and Children Protection Desk ng Camarines Sur Police Provincial Office, sa pagharap nito sa isang press conference kahapon.

Kasabay nito ay pinangalanan ni Regachuelo ang apat na mga bayan sa lalawigan na may mataas na kaso ng VAWC, ito ay ang Calabanga, Pili, Pasacao , Sipocot at kasama ang Iriga City.

Kasabay nito mas pinalakas pa ng pulisya ang kanilang community program sa mga bara-barangay sa pamamagitan ng pakikipag-usap hindi lang sa mga kababaihan kundi  maging sa mga kalalakihan din.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *