18-anyos na wanted sa illegal drugs, timbog sa Calatagan, Batangas

CALATAGAN – Timbog sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang drug suspect na itinuturing na rank number 1 most wanted sa Brgy. Lucsuhin, Calatagan, Batangas.

Kinilala ang suspek na si John Calvin Dela Torre y Magsino , 18 anyos, binata at residente ng naturang lugar.

Ayon sa Calatagan Municipal Police Station, ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa iligal na droga o RA 9165.

Sa bisa ng warrant of arrest ay naaresto ang suspek sa tinutuluyan nitong bahay pasado alas-3:00 kahapon ng hapon.

Nakadetina na ang suspek sa custodial facility ng naturang himpilan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *