18 kaso ng COVID-19, naitala sa loob lamang ng 2 araw lamang sa Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Provincial Government of Albay na nakapagtala ng 18 kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng dalawang araw.

Ayon sa pamahalaan, karamihan sa mga nagpositibo ay mga health care workers, government employees, nurses at iba pa.

Noong Agosto 6, parehong may may anim na kaso ang Legazpi City at Daraga, parehong may dalawa ang bayan ng Malinao at Sto. Domingo, ay may iisang kaso naman ng ang bayan ng Tiwi, Polangui, Malilipot, at lungsod ng Tabaco.

Sa sumunod na araw, ang pinakamaraming naitala ay nagmula sa bayan ng Manito, Albay na mayroong siyam na kaso, apat sa bayan ng Daraga, tatlo sa lungsod ng Legazpi at may iisang kaso ng lungsod ng Tabaco at bayan ng Bacacay.

Pinaalalahan muli ang mga Albayano na sundin pa rin ang health protocols na ipinatutupad ng Department of Health (DOH) Bicol at umiwas muna sa matataong lugar upang hindi na makapagtala ng panibagong kaso ng COVID-19 ang Albay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *