18 LGU sa Bicol, magsasagawa ng community-based monitoring system – PSA Bicol

LEGAZPI CITY – Target ng Philippine Statistics Authority (PSA)) Bicol na magsasagawa ng Community-based Monitoring System (CBMS) ang mga Local Government Unit (LGU) na nasa 4th class hanggang 6th class muncipality.

Ito ang inihayag ni PSA Bicol Regional Director Cynthia Perdiz ginawang Press Conference kahapon na inilunsad na CBMS.

Ayon kay Perdiz, 18 na LGus ang magsasagawa ng CBMs sa ilalim ng PSA.

Tanging ito lamang na LGU ang maaaring magsagawa ng nasabing sistema dahil sa limitado lamang ang pondong ibinigay ng national government.

Kabilang sa mga probinsiya na magsasagawa ay ang Camarines Sur, Camarines Norte, Sorsogon, Catanduanes at Masbate.

Binigyan-diin ng ahensya na kapag hindi umaabot sa 80% ng kanilang resources na kinakailangan ay maaari umano sumailalim sa observation.

Ang CBMS ay isang technology-based system na gagamitin sa pangongolekta, pagproproseso at pagva-validate ng mga disaggregated na datos mula sa mga syudad at munisipyo.

Ang mga datos na ito ay gagamiting basehan para sa pagplano, pagpapanukala at pagpapatupad ng mga programa na may kinalaman sa pagpapaunlad ng kabuhayan sa bawat lungsod at bayan at ng sambahayang Pilipino.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *