18 OFW groups sa R-12, nabigyan ng P 7.2 livelihood grant ng OWWA-NRCO

KORONADAL CITY- AABOT sa P 7, 250,000 na halaga ng start-up capital para sa livelihood project ng 18 mga Overseas Filipino Workers o OFW organization ang iginawad ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 at National Reintegration Center for OFW’s o NRCO.

Ayon kay OWWA 12 Regional Director Marilou Sumalinog na ito ay sa ilalim ng TULONG PUSO program na may layuning magbigay ng assistance para sa information, enhancement o restoration ng livelihood undertakings ng mga OFW organization sa pamamgitan ng raw materials, equipment, tools at iba pang support services.

Ang mga benepisyaryo ay isinailalim din sa training upang masiguro na tumagal at maging matagumpay ang kanilang napiling negosyo.

Simula noong nakaraang taon, 39 na mga OFW organizations sa rehiyon ang nabigyan ng financial assistance sa TULONG PUSO.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *