18 Sorsoganon, kasama sa bagong rekrut na candidate soldiers; pagsasanay, pormal nang nag-umpisa sa 9ID

Opisyal nang tinanggap ng 9th Infantry “Spear” Division sa pangangasiwa ng division commander na si MajGen Adonis Bajao, sa pamamagitan ng isang reception ang 132 naghahangad na maging sundalo.

Binubuo ito ng 18 mula sa Sorsogon, 41 mula sa Camarines Sur, 30 mula sa Albay, 5 mula sa Camarines Norte, 8 mula sa Masbate, isa mula sa Catanduanes at 29 mula sa ibat-ibang rehiyon ng bansa.

Ang mga ito ay pumasa sa lahat ng mahahalagang pangangailangan para sa kasundaluhan.

Ang mga bagong ‘lahi ng mandirigma’ ay sasabak sa 16 na linggong Basic Military Training at 7 linggong specialization training na Infantry Orientation Course.

Layunin ng pagsasanay na maturuan at magabayan ang mga bagong rekrut na maging isang propesyunal na sundalo.

Ang mga ito rin ay madedeploy sa iba’t ibang yunit ng 9ID kung saan magagamit nila ang kanilang natutunan sa loob ng training school.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *