Editors Pick

180-day period ng SIM card registration, sapat na ayon sa NTC

Sapat na raw ang 180-day period para sa mga SIM card users upang makapag-register ng kani-kanilang mga SIMs sa telco companies.

Ayon kay National Telecommunications Commission (NTC) Deputy Commissioner Atty. Jon Paulo Salvahan – sapat pa ang itinakdang panahon para makapagpatala ang nasa 180 million active SIM card users sa bansa.

Sa ngayon, tuluy-tuloy aniya sa pag-i-increase ng system capacity ang mga telcos upang mas maraming registering subscribers pa ang makapapasok sa kanilang system. // SMM

READ MORE:

https://brigadanews.ph/bilang-ng-mga-nagpa-register-na-sim-users-mahigit-tatlong-milyong-subscribers-na/

Mobile kiosks, dapat ipatayo – Binay

Dapat na magtayo ng mobile kiosks ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para sa nagpapatuloy na SIM Card registration.

Ito ang suhestiyon ni Senador Nancy Binay kasunod ng mga naging aberya sa unang dalawang araw ng pagpaparehistro sa mga SIM Cards.

Ayon sa Senador, dapat na gayanin ng pamahalaan ang operational model ng bakunahan kontra covid-19 kung saan may mga offsite venue na itatalaga at mobile kiosks na itatayo para sa mga magpaparehistro ng kanilang SIM.

Magsisilbi aniya ang mga mobile kiosks bilang inquiry/information booth at registration center na pupwedeng puntahan ng mga taong itinuturing na non-techie mobile users at walang access sa internet para makapagregister.

Aniya, naiintindihan naman daw ng publiko na may mga posibleng aberya talaga sa una ngunit dahil aniya sa mga aberyang ito dapat na gawin pang mas simple ng mga telcos ang pagpaparehistro ng kanilang mga sim.

Nabatid na batay sa datos ng National Telecommunications Commission (NTC), pumalo na sa mahigit tatlong milyong sim cards na ang nairehistro hanggang sa kasalukuyan.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

22 hours ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

22 hours ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

22 hours ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

22 hours ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

22 hours ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

22 hours ago