19 anyos na sangkot umano sa gulo sa City Baywalk, arestado; armado ng patalim

Dinampot ng mga tauhan ng Anti- Crime Task Force ang isang 19 anyos na binata matapos na makuhanan umano ng patalim sa Puerto Princesa City Baywalk nitong Linggo ng hapon, March 12, 2023.

Kinilala ito na si Marvin Dayundon 19 anyos ng Barangay Irawan sa lungsod.

View Post

Napag-alaman na itinawag ng Tourist Police sa Police Station1 at Anti- Crime dahil nagkaroon ng kaguluhan ng kabataan sa baybay kung saan sangkot ang binata.

Nang madampot ang binata ay doon na nakuha ng awtoridad sa kanya ang kutsilyo dahilan para siya’y tuloyang arestuhin.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *