19 katao, patay sa banggaan ng isang bus at trak

Isang maapoy na banggaan sa pagitan ng isang double-decker na bus at isang trak ang nag-iwan ng 19 kataong patay at 22 nasugatan sa hilagang-kanluran ng Mexico.

Saad ng attorney general ng Sinaloa state na si Sara Quinonez, maaring hindi pa agad matukoy ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima.

Iniimbestigahan na ang sanhi ng aksidente na nangyari bago madaling araw sa isang highway sa munisipyo ng Elota.

Karaniwan na ang banggaan sa Mexico, kadalasan dahil sa high speed, driver fatigue, at problema kondisyon ng mga sasakyan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *