19 katao, patay sa landslide sa Indonesia

Hindi bababa sa 19 ang nasawi, habang pito pa ang nawawala sa nangyaring landslide sa probinsya ng West Sumatra sa Indonesia.

Dahil dito, in-evacuate ang mahigit 70,000 katao sa nasabing probinsya dahil sa walang tigil na ulan.

Napinsala ang nasa 700 kabahayan, 113 hektaryang farmland, pati na rin ang mga tulay at paaralan sa probinsya.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang resuce operations ng Indonesia sa mga nawawalang indibidwal.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *