19 na mga naging biktima ng human trafficking, pinagkalooban ng pangkabuhayan sa Roxas

Pinagkalooban ng libreng pangkabuhayan ang labingsiyam (19) na mga biktima ng Human Trafficking o Illegal recruitment sa Roxas, Palawan nitong Huwebes, June 8.

Ito ay pagbibigay ng libreng mga pananim tulad ng niyog at mga hayop tulad ng kambing na makakatulong sa kanilang kabuhayan.

Naisagawa ang nasabing programa sa pangunguna ng Lokal na Pamahalaan, katuwang ang Municipal Social welfare and Development office, Women and Children Protection Section, Provincial Legal office at Provincial Gender and Development office

Samantala, muling nagpaalala ang Lokal na Pamahalaan Ng Roxas Palawan na mas maging mapanuri at huwag basta-basta magtitiwala kung kanino para hindi magamit ng mga sindikato o traffickers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *