19 na panibagong kaso at 12 recoveries naitala sa Camarines Norte ng DOH Bicol ngayong araw

CAMARINES NORTE- Pumalo na sa 341 ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Camarines Norte matapos na maitala ang 19 na panibagong kaso ng DOH Bicol ngayong araw

Ang mga panibagong kumpirmadong kaso ay naitala sa mga bayan ng Daet na may 8, habang may 4 mula sa bayan ng Labo, 3 sa Capalong at tig-2 kaso ang bayan ng Basud at Paracale

Kasalukuyan ngayong may 112 na aktibong kaso ang lalawigan.

Habang naitala rin ang 12 nakarekober sa sakit dahilan upang umakyat ang kabuuang bilang ng mga nakarekober sa sakit sa 212

Wala namang naitalang panibago kaso ng pagkasawi kung kayaโ€™t nananatili ang bilang nito sa 17

May 47 naman na nagnegatibo ang resulta matapos sumailalim sa swab test

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *