19 na panibagong kaso at 13 na recoveries naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 1,301 ang total cases ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte matapos na makapagtala ng 19 na panibagong kaso kahapon

Sa report ng DOH Bicol kahapon, ang mga panibagong kaso ay naitala mula sa bayan ng Daet na May 9 na bagong kaso, 4 ang nagmula sa bayan ng Sta. Elena, 3 sa labo habang may tig-i-isang kaso ang bayan ng Basud, Capalonga at Jose Panganiban

Patuloy naman ang pagakyat ng bilang ng mga nakakarekober sa sakit

Kung matatandaan naitala ang single day record high of recoveries sa Camarines Nrte nitong July 28 at nadagdagan itong muli kahapon ng 13 new recoveries habang walang naitalang pagkasawi sa naturang sakit

Sa ngayon ang Camarines Norte ay may 218 na aktibong kaso , sumampa naman sa 1,023 ang total recoveries habang nananatili sa 59 ang naitalang nasawi

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *