19th Century Old Christ the king statue at iba pang lumang gamit, tampok sa bagong bukas na historical museum sa bayan ng Tinambac, sa Partido Area

CAMARINES SUR — Tampok sa kabubukas pa lamang na museum sa bayan ng Tinambac, Camarines Sur ang ilang historical objects, tulad na lamang ng 19th Century Old Christ The King king statue; at ang pinakaunang makinilya o typewriter na ginamit ng Municipal Treasury. Naka-display rin ang isang century old traditional stone mill o gilingan ng bigas, dulay o water jar, at marami pang iba.

Pinangunahan ng historian na si  Prof. Danny M. Gerona, ang pagbubukas nito, kasabay ng pagbibigay ng maikling buod sa kasaysayan at ilang lumang mapa ng nasabing bayan.

Ayon kay Neslie Barrameda ng LGU Tinambac, ito ang isa mga hakbang ng lokal na pamahalaan, upang mapanatili ang kultura at kasaysayan ng nasabing bayan. Bago magtapos ang taon, nakatalaan rin aniyang ilathala ang librong naglalaman ng kasaysayan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *