1st Magayon Festival Paramotor Airshow sa Albay, sisimulan na ngayon araw

LEGAZPI CITY – Gaganapin ngayong araw ang kauna-unahang Magayon Festival Paramotor Airshow o paragliding sa lalawigan ng Albay.

Sinabi ni Eric Diaz, head ng nasabing aktibidad sa isang press conference kahapon na tatagal ang aktibidad hanggang Mayo 11.

Aniya, masasabing kakaiba ang Albay kung ikukumpara sa ibang lugar dahil makikita ang kagandahan ng Bulkan Mayon gamit ang paramotors, kaya’t isa ito sa magiging showcase upang makapaghikayat ng maraming turista.

Sinabi pa nito, kinakailangan lamang sa bawat Local Government Unit (LGU) ay suportahan ang makabagong tourism products tulad ng paramotors upang maipagpatuloy ang aktibidad sa lalawigan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *