2 babaeng nanuhol sa brgy para pantubos sa asawa at kasamahan, arestado

Arestado ang dalawang babaeng nanuhol sa isang barangay hall para pantubos sana sa asawa at kasamahan nitong lalaki na nanghablot ng cellphone sa isang pampasaherong jeep sa bandang Buendia Avenue, Makati.

Sa ulat ng pulisya, napag-alamang nasa P20K ang perang inabot para sa suhol.

Bago nito, pinipilit pa ng mga babae ang complainant na magbigay na lamang sila ng halaga kapalit ng pagpapalaya sa dalawang suspek pero ito pumayag.

Nakipag-ugnayan ang barangay sa pulisya para isagawa ang entrapment operation.

Pagdating ng mga pulisya, todo-tanggi ang ang salarin na hindi raw suhol kundi ito’y pampiyansa.

Bukod dito, nakuhanan pa ang dalawa ng hinihinalang marijuana.

Sa ngayon, inihahanda na ng pulisya ang reklamong kakaharapin ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *