2 babaeng tulak umano ng droga, arestado sa Lipa City

LIPA CITY – Nakakulong na ngayon ang dalawang babaeng tulak umano ng iligal na droga matapos na maaresto sa ikinasang buy bust operation sa Purok 7, Brgy. 1, Lipa City, Batangas.

Kinilala ng Lipa City Police Station ang mga suspek na sina Nikka Ellaine Villa y Morales alyas “Nikka” at Kristine Kaye Parcon y Laloy alyas “Kaye”, pawang mga residente ng naturang lungsod.

Sa isinagawang buy bust operation ng Lipa CPS at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA-4A ay narekober mula sa mga suspek ang nasa 25 gramo ng pinaniniwalaang Shabu na tinatayang umaabot sa halagang 170,000 pesos.

Base sa datus ng mga awtoridad, ang dalawang suspek ay kabilang sa drug watchlist ng nasabing himpilan.

Nahaharap na ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *