2 barangay sa San Fernando, Camarines Sur na may pinakamaraming bansot na mga bata, benepisyaryo ng Phil. Multisectoral Nutrition Project

NAGA CITY – Naging bisita kamakailan lamang ng Lokal na Pamahalaan ng San Fernando, Camarines Sur ang ilang mga personahe ng Department of Health at consultant ng World Bank para tingnan ang pagpapatupad ng programa hinggil sa kalusugan.

May dalawang barangay sa naturang bayan, ang Alyansa at San Juaquin ang benepisyaryo ng Phil Multi Sectoral Nutrition Project dahil sa isyu ng malnutrisyon, na kung saan maraming mga bansot na bata sa lugar.

Batay naman sa pahayag sa Brigada News FM Naga, sinabi ni Allan Salvador, Head ng Municipal Agriculture Office na may kasalukuyan na ring interbensyon na ginagawa ang LGU-San Fernando para masulusyonan ang isyung ito, tulad ng mga programang ginagawa ng kanilang Municipal Health Office.

Tulad ng dati isa sa nakikitang dahilan ay hindi tamang pagkain ng mga bata, ng masusustansyang pagkain kaya mababa ang mga timbang na ito, at mahina ang kanilang growth development.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *