Iniulat ng Puerto Princesa City Health Office ngayong araw ay may dalawang naitalang kaso ng hinihinalang Pertussis o Whooping Cough sa lungsod.
Ang isa ay 2 taong gulang at isa ang 6 taong gulang na ngayon ay patuloy na ginagamot.
Ang 2 yr. old ay gumaling na at nakalabas na rin umano ng pagamutan.
Ang sakit na ito ay isang malubhang sakit na labis na nakakahawa lalo na sa mga kabataan o sanggol kaya pinapayuhan ang publiko na mainam na magpa- konsulta kung makaramdam ng mga sintomas tulad ng lagnat, sipon, ubo at pagbahing.