2 CTG member, sumuko sa TBoli

KORONADAL CITY – DALAWANG mga miyembro ng Communist Terrorist Group o CTG – New Peoples Army ang sumuko at bumalik sa hanay ng gobyerno sa bayan ng TBoli.

Bitbit ng mga ito sa kanilang pagsuko ang kanilang mga armas. Ang mga dating rebelde ay ipinresenta kay TBoli Mayor Keo Dayle Tuan kung saan nakatanggap ang mga ito ng Financial Assistance sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.

Ang ECLIP ay isang programa na tumutulong sa mga dating miyembro ng rebelde o komunistang grupo na gustong magbalik-loob sa gobyerno upang makapamuhay ng tahimik at makabalik sa komunidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *