2 drug suspects, huli sa buybust sa Puerto Princesa

Arestado ng pulisya ang dalawang drug suspects na sina Angel Patrick Lagan Lagrada, 20 anyos at si Ramon Paredes Dimanalata, 40 anyos sa Purok Masaya, National Road Brgy. San Miguel, Puerto Princesa City, Palawan.

Iniulat ng Police Station 1 na nahuli ang dalawang suspek 10:45 kagabi, June 11.

Nakabili umano ang asset ng pulis sa isang suspek ng isang (1) piece small Heat-sealed trans plastic sachet na may laman na white crystalline substance o hinihinalang Shabu sa halagang P1, 500.00.

Maliban rito, narekober din umano sa mga naaresto ang One (1) pc. of small Heat-sealed trans plastic sachet na may lamang white crystalline substance na tumitimbang ng humigit kumulang 1 .69 grams. At isang cellphone.

Samantala, nahaharap ang mga naaresto sa paglabag sa Sec. 5 in relation to 26-b at 11 of Art. II ng Republic Act 9165 o Comprehensive dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *