2 high value individual, tiklo sa magkahiwalay na operasyon sa Camarines Sur

CAMARINES SUR – Sa pagpasok pa lang ng buwang Pebrero, nakapagtala na ang Naga City Police Office ng 2 Anti Illegal Drug Buy Bust Operation kung saan 2 high value individual ang nahuli sa nasabing operasyon ng pinag-isang pwersa ng kapulisan.

Bandang 9:30 kagabi sa Barangay Sagorong Pili, Camarines Sur ng ikasa ang operasyon laban sa nagpakilalang contractor. Kinilala ang naaresto na si Anthony Azada, 38 gulang at residente ng Barangay Igualdad sa lungsod ng Naga.

Aabot 30 pirasong sachet ng hinihinalang shabu kasama ang malalaking knot tied na plastic ang nasamsam ng mga operatiba na nagkakahalagang 1.8 milyong piso.

Samantala kaninang madaling araw Pebrero 7 taong kasalukuyan, bandang 1:40 sa Barangay Sabang sa lungsod ng Naga ng maaresto ang isa pang suspek dahil sa pagbebenta rin ng illegal na droga.

Kinilala ito na si Joefer, 35 taong gulang at residente ng San Agustin Canaman, Camarines Sur, kung saan nakabili ang nagpanggap na pouser buyer sa halagang 75,000.00 at nakuha pa sa posisyon nito ang karagdagang 30 gramo. Tinatayang 55 gramo ang kabuuang bigat ng illegal na droga na nagkakahalagang 374,000.00.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay PSMSgt. Tobias Bongon, tagapagsalita ng NCPO sinabi nito na malaki ang posibilidad na may koneksyon ang mga ito sa mga huling operasyon kontra droga noong nakaraang buwan at hindi nagkakalayo ang kanilang transaksyon.

Sa ngayon ang mga nahuling suspek ay nasa kustodiya na ng PNP at mahaharap sa kasong paglabag sa RA9165 o mas kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *