2 insidente ng pagkalunod-patay, naitala sa Bicol noong Semana Santa

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) Bicol Regional Maritime Unit na dalawang insidente ng pagkalunod-patay ang naitala sa buong rehiyon kaugnay ng pag-obserba sa Semana Santa.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Police Chief Master Sergeant Larry Ayende, Information Officer ng nasabing unit, sinabi niya, ang mga insidente ay pawang naitala kahapon at kinabibilangan ng mga biktimang sina Mark Darrell Belenzo, 25 anyos, college student na dead on arrival sa ospital matapos malunod sa ilog na sakop ng Sitio Anislag, Brgy. Soa, bayan ng Malinao, Albay, habang isang pulis naman na kinilalang si Patrolman Joseph Matociño Agnote, 26 anyos, ang dead on the spot matapos malunod sa karagatang sakop ng Brgy. Buenavista Gubat, Sorsogon.

Ayon kay Ayende, ang bilang na ito ay mas mababa kumpara sa mga naitala noong nakaraang taon sa kaparehong peryodo.

Sa buong kapulisan sa rehiyon, maituturing umano nila itong malaking success, sapagkat hindi lamang ang kanilang unit ang naging aktibo, kundi pati na rin ang mga local police units na nakapag-deploy na mga personnel sa iba’t ibang mga coastal areas sa rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *