2 insidente ng sunog sa mga eskwelahang magsisilbing voting precincts para sa #BSKE2023, naitala

Anggulong pulitika ang tintingnan ngayon ng Bureau of Fire Protection matapos masunog ang ilang silid-aralan ng Ruminimbang Elementary School sa Barira, Maguindanao del Norte.

Sa pakikipag-ugnayan ng Brigada News Fm kay Barira Deputy Fire Marshall SF04 Wahab Balindong , nagsimula ang sunog dakong ala-una kaninang madaling araw.

Naideklara ang fire out kaninang alas-3:43 ng umaga.

Tatlong classrooms ang nasunog sa isang gusali ng paaralan.

Tinataya naman 650 thousand pesos ang iniwang danyos nito

Patuloy pa ang imbestigasyon ng BFP sa insidente.

Samantala, isa pang sunog ang sumiklab sa Poona Piagapo, Lanao Del Norte kaninang madaling araw.

Sa report na natanggap ni Comelec Chairman George Garcia, library ang nasunog sa Poona Piagapo Central Elementary School

Lumabas naman sa insiyal na imbestigasyon na posibleng ang sunog ay dulot ito ng ‘faulty’ wiring.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *