2 lalaki, arestado sa buy-bust operation sa Calatagan, Batangas

Nasa kulungan na ang dalawang lalaki na tulak umano ng iligal na droga matapos kumagat ang mga ito sa ikinasang buy bust operation sa Calatagan Batangas.

Kinilala ng Calatagan MPS ang mga suspek na sila, Mark Anthonny Geronimo, alyas “Kalog” 21 anyos, isang tricycle driver at si Ariel Verdera, alyas “Suwinta”, 30 anyos at isang construction worker at pawa silang residente ng Barangay, Talisay, Calatagan, Batangas.

Base sa report, noong June 26, 2021, Sabado, bandang alas-3:30 ng hapon, nagsagawa ng isang anti-illegal drugs operation ang Calatagan MPS na nagresulta ng pagkakaaresto sa mga nasabing suspek.

Narekober mula sa mga suspek ang 4 na sachet ng pinaniniwalaang shabu, 500 pesos na marked money na ginamit sa operasyon, at isang kahon ng posporo.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, at 11 ng RA 9165 o Comprehensive of Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *