2 lalaki na dating sangkot sa iligal na droga at 1 vendor; arestado sa aktong paghihithit ng marijuana sa Roxas, Isabela

Inaresto ang tatlong kalalakihan matapos maaktuhang humithithit ng marijuana sa Brgy. Bantug, Roxas, Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Arturo Buenaventura, 20 anyos, may asawa, vendor; Gil Macaraeg, 27 anyos, mekaniko, residente ng Nuesa, Roxas, Isabela at Ruel Pengco, 33 anyos, tsuper at residente ng Bantug, Roxas, Isabela.

Una rito ay nakatanggap umano ang intelligence unit ng PNP Roxas ng impormasyon na mayroong nagpa-pot session sa nabanggit na lugar.

Agad namang inaskyunan ng kapulisan ang natanggap na impormasyon at nagtungo sa lugar kung saan nakita ang mga suspek na nag-iinuman kasabay ng paghihithit din ng marijuana na nagresulta sa kanilang agarang pakakaaresto.

Narekober din sa lugar ang marijuana na nakabalot ng papel at transparent plastic sachet. Samantala, ayon pa sa PNP Roxas dati na rin umanong naaresto at nakulong si Pengco noong 2012 sa kaparehong kaso habang nahuli rin sa buy bust operation si Macaraeg noong 2016.

Napag-alaman din na ang mga ginagamit na illegal drugs ay galing umano sa ibang lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *