2 lalaki, pinagbabaril-patay sa isang meat shop sa San Antonio, Quezon

Patay ang dalawang lalaki matapos itong pagbabarilin sa loob ng isang meat shop sa Barangay San Jose, San Antonio, Quezon nitong madaling araw ng Biyernes, Enero 12.

Kinilala ang mga nasawing biktima na sina alyas Jay R, 30-anyos na businessman at alyas Mark, 22-anyos.

Batay sa report, nag-iinuman umano noon ang biktima kasama ang mga kaibigan sa isang meat shop nang dumating ang suspek na sakay sa motorsiklo at tila may hinahanap.

Walang anu-anong pinagbabaril ng suspek ang mga biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng pagkasawi ng mga ito.

Samantala, kasalukuyang pinaghahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *