2 lolo, inaresto dahil sa panggagahasa ng kani-kanilang menor-de-edad na apo

Dinakip ang dalawang lolo dahil sa panggagahasa ng kani-kanilang menor-de-edad na apo sa Caloocan at Pasig.

Inaresto ng Special Operations Unit ng Northern Police District ang isang 60 anyos na lolo na wanted sa walaong counts ng rape at child abuse sa 15-anyos niyang apo sa Caloocan.

Itinanggi naman ito ng suspek at sinabing galit lamang ang magulang ng bata dahil ibinenta nito ang kanilang bahay.

Sa kabilang dako, hinuli naman ang isa pang 61 anyos na lolo sa Pasig dahil sa kasong statutory rape sa kanyang apo na 11 taong gulang pa lamang.

Nabatid na ang salarin ay dati nang nakulong dahil sa frustrated murder.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *