2 mambabatas, haharangin umano ang military deal sa Japan

Haharangin umano ng dalawang mambabatas ang Reciprocal Access Agreement (RAA) kasabay ng pagtanggi ng Japan na humingi ng tawad sa mga Filipino comfort women na nakaranas ng sexual slavery sa panahon ng mga Hapon noong World War II.

Ayon kay Gabriela Rep. Arlene Brosas na ang pagpalya ng Japan na kilalanin ang paghihirap at pang-aabuso sa mga Filipino comfort women ay isang pahiwatig kung paaano nila kinikilala ang human rights.

Kasabay ng hindi paghingi ng tawad sa pagpapahirap noong World War II laban sa mga comfort women, sinabi ni ACT Teachers Rep. France Castro, na sinusubukan na naman ng Japan na magpadala ng mga sundalo pabalik ng Pilipinas.

Tugon naman Senate President Juan Miguel Zubiri, ang mga Japanese umano ay disiplinado at duda siya sa  mga inilabas na pagamba ng posibilidad na pang-aabuso.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *