2 mangingisda na suspek sa pagdi-dinamita sa Cuyo, nakatakas!

Nahaharap sa kasong Illegal fishing ang dalawang mangingisda na suspek sa pagdi-dinamita sa dagat ng Brgy. Bisucay, Cuyo Palawan nitong hapon ng Martes, ika- 15 ng Agosto.

Ayon sa ulat ng Palawan Provincial Police Office, nakita ng pulis sa Bararing Islet ang isang motorized banca na walang pangalan habang naroon ang dalawang crew at nang makilala umano ang mga pulis ay agad silang tumalon mula sa bangka.

Kinilala ang mga iyon na sina “Dodo Cabasag y Humawan” at “Samuel Montaño y Pepito” na parehong residente ng Brgy. Suba, Cuyo Palawan.

Ang bangka na narekober ay nakuhanan daw ng mga pulis ng air compressor at paraphernalias na ginagamit sa pagdi-dinamita tulad ng bote na hinihinalang may laman na ammonium nitrate.

Paglabag sa Republic Act 10654 (Fishing through Explosives, Noxious or Poisonous Substance or Electricity) at Viol. Of Provincial Ordinance nr. 1643 Series of 2015 ang kinakaharap ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *