2 most wanted person, arestado sa Laguna

Nasa kustodiya na mga awtoridad ang dalawang indibidwal na itinuturing na mga most wanted sa Lalawigan ng Laguna.

Kinilala ng Laguna Police Provincial Office ang mga akusado na sina alyas Samuel at alyas Rommy.

Naaresto ang dalawa sa magkahiwalay na ikinasang manhunt operation ng Laguna PNP.

Nahuli ng mga tauhan ng BiΓ±an City Police Station ang Top 7 most wanted na si alyas Samuel sa Brgy. Loma, Binan City sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Act of Lasciviousness.

Sa isa pang police operation na ikinasa naman ng Cabuyao City Police Station ay naaresto si alyas Rommy kung saan nakatala ito bilang Top 8 most wanted person na may kasong R.A 10883 o New Anti-Carnapping Act of 2016.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *