2 munisipyo sa Zambales kandidato sa pagiging drug cleared municipality

Malapit nang madeklarang drug cleared municipality ang dalawang bayan sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay kapag pumasa na ang mga ito sa lahat ng pamantayan ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay PDEA Zambales Provincial Officer Agent Jigger Juniller, sa ngayon ang mga bayan na ito ay kinabibilangan ng San Narciso at Candelaria.

Ang San Narciso ay ang nag-iisang bayan sa Zambales na may Balay Silangan, isa sa mga requirement para maging drug cleared municipality pero mayroon pang apat na bayan na dating klarado na sa ipinagbabawal na droga ang muling dumadaan sa balidasyon ng PDEA.

Ang Candelaria naman ay isandaang porysyento nang drug cleared ang lahat ng barangay subalit walang sariling Balay Silangan.

Kapag nasunod na ng dalawang munisipyo ang lahat ng guidelines ay isa sa mga ito ang magiging unang bayan na madedeklarang drug cleared sa lalawigan.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of food and text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *