2 NPA patay sa panibagong engkwentro sa Masbate

SORSOGON CITY – Dalawang miyembro ng New People’s Army ang nasawi makaraang maka-engkwentro ng puwersa ng 2nd Infantry Battalion at Masbate PNP sa Brgy Miabas, Palanas, Masbate.

Ang dalawang hindi nakikilalang rebeldeng nasawi ay kabilang sa 20 armadong kasapi ng rebeldeng grupong NPA na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan.

Maliban sa dalawang bangkay ng NPA na natagpuan, narekober din sa pinangyraihan ng engkwentro ang isang M16 rifle, isang Granada, dalawang claymore mines, 5 anti-personnel mines, ilang kasangkapan sa paggawa ng bomba, sari-saring mga bala, mga gamit pang komunikasyon, subersibong dokumentos at ilang kagamitang personal ng mga tumakas na rebelde.

Napag-alaman na ang mga nasabing rebelde ay nagsasagawa ng extortion at recruitment activities nang maganap ang engkuwentro.

Wala naman naiulat na kaswalti sa hanay ng tropa ng pamahalaan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *