2 OFW families sa region 12, pinarangalan

KORONADAL CITY- PINARANGALAN ng Overseas Workers Welfare Administration o OWWA Region 12 ang mga Model OFW Family of the Year ngayong 2023.

Sa 14 na mga nominado, dalawang mga OFW families ang nangibabaw at idineklarang regional winners. Nagwagi sa landbased category ang pamilya ni Engr. Edwin Paragas habang ang pamilya naman ni Master Mariner Carlito Catubig ang nanalo sa seabased category.

Ang mga ito ay pawang taga Kidapawan City. Ang Model OFW Family of the Year Awards (MOFYA) ay kumikilala at nagbibigay parangal sa mga OFWs at kanilang pamilya na nagpapakita ng pagkakaisa at matatag na relasyon sa pamilya, community service at financial stability sa kabila ng mga hamon ng pagtatrabaho sa ibang bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *