2 Olympic attendees, naospital sa gitna ng COVID-19 surge sa Tokyo

Naospital ang dalawang katao na kabilang sa mga attendees ng Tokyo Olympics mula sa ibang bansa, matapos itong tamaan ng COVID-19.

Kinumpirma ito ng organizers ng Tokyo 2020 kasabay ng pagsipa ng daily cases ng host city sa panibagong record.

Inaunsyo ng Japanese capital, kung saan ay voluntary ang karamihan ng pandemic restrictions sa labas ng Olympic bubble, na nadagdagan ng 3,865 ang bilang ng COVID-19 cases nito, na mas mataas kumpara sa 3,177 na naitala noong nakaraang araw.

Sa kauna-unahang naman pagkakataon ay lumampas sa 10,000 ang bilang ng mga bagong kaso na naitala sa buong Japan base sa ulat ng local media.

Ipinunto naman ni Games spokesperson Masa Takaya na hindi serious cases ang mga napaulat na kaso na may kinalaman sa Olympics, habang na-discharge ang ikatlong pasyente na naospital kamakailan.

Tiniyak naman ni International Olympic committee spokesperson Mark Adams na wala ni-isa sa mga kaso na may kinalaman sa Olympics ang nakahawa sa populasyon ng Tokyo.

Kung maalala ay inanunsyo ng organizers na umabot sa 24 ang bilang ng Games-related infections, kabilang na ang tatlong atleta, na dahilan para umangat ang kabuoang bilang nito mula noong July 1 sa 193.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *