2 opisyal, 25 pulis ng Pasay Police sinibak sa pwesto

Sinibak sa pwesto ang hepe ng Pasay City Police, substation commander, at 25 pulis na may sakop isang ni-raid na POGO hub dahil sa mga ilegal na aktibidad, kabilang ang sex trafficking at crypto scam.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ni Department of the Interior and Local Government sec. Benhur Abalos kay PNP chief Benjamin Acorda Jr. na alisin sa pwesto ang 2 opisyal at 25 na pulis dahil sa command responsibility.

Ayon kay PNP PIO acting chief col. Jean Fajardo, tumatakbo na ang imbestigasyon sa dalawang opisyal at 25 na pulis para malaman kung meron silang kapabayaan sa tungkulin gaya ng kawalan ng environment scanning sa kanilang nasasakupang lugar.

Pinaalala din ni Fajardo na natili ang one strike policy sa PNP.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *