2 patay sa aksidente sa Sagñay, Camarines Sur

Naga City – Patay ang isang Nurse at 14-anyos na batang babae habang sugatan na man ang apat pa nang salpukin ng isang isuzu Dmax ang sinasakyan na kotse ng mga biktima.

Napag alaman ng Brigada News FM Naga kay PLt. Mark Spaña ng Sagñay PNP na nangyari ito sa kurbadang porsyon ng barangay Mabca kahapon ng tanghali kung saan habang papunta sa Nato Beach ang mga biktima na kinilalang sina Avegaine Luis, 37-taong gulang, driver ng kotse, kasama ang apat na bata  na nag eedad 4 hanggang 14 mga residente ng Brgy. Triangulo, Naga City. Nang walang ano-ano’y  salpukin ito ng isang humaharorot na isuzu Dmax na minamaneho ni  Melchor Estallo y Del Castillo ng Brgy. Mabca, Sagñay na nang mga oras na iyon ay papunta ng Lungsod ng Naga.

Dahil sa lakas ng impact, naipit sa manibela ang Nurse , habang dead on the spot na man ang 14-anyos na si Sophia Ashley.

Nadatnan pa ng mga pulis ang naghihingalong mga  biktima kung kaya naman mabilis silang dinala sa pagamutan, subalit idineklara ang mga ito na wala ng buhay ng sumuring doktor.

Hinihintay pa ng Sagñay PNP ang resulta ng breath analyzer na isinagawa kay Estallo dahil nangangamoy alak daw ito ng saklolohan ng mga residente sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *