2 pick-up , nagbanggaan sa Roxas

Wasak ang harapan ng dalawang Pick-up matapos magbangaan bandang alas-dos ng hapon nitong Huwebes sa Sitio Bayugon Bgy. Tinitian, Roxas Palawan.

Ang itim na Pick up ay minamaneho ng isang Esteve Barrios, 35 anyos kasama ang Supervisor ng DITO Telecommunication na si Hemie Bautista, 35 anyos.

Ang Puting Pick up naman ay Pagmamay-ari ng Globe Telecommunication na minamaneho ni Royette Salva, 27 anyos.

Agad na isinugod sa pagamutan ang mga sakay ng dalawang behikulo ng rumespondeng tauhan ng MDRRMO-Roxas at ng napadaan na ambulansya ng El nido Palawan.

Base sa imbestigasyon ng PNP, nagmula sa Puerto Princesa ang itim na pick-up at patungo sana sa Roxas Palawan nang biglaan pumutok ang gulong nito dahilan para mawalan ng kontrol at pumasok sa kabilang linya kung saan ang puting pick-up.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *