2 Pilipinong transgender na sangkot sa rambulan sa Thailand, ipade-deport

Nakatakdang pagmultahin at ideport pabalik ng Pilipinas ang dalawang Filipino transgender na nahaharap sa kasong assault matapos makipagrambulan sa mga Thai transgender sa Bangkok, Thailand.

Ayon ka Foreign Affairs Undersecretary Eduardo De Vega, walang makukulong na pinoy dahil sa nangyaring away matapos mapagdesisyunan na pagmultahin na lang at ideport ang dalawang Pilipinong Transgender.

Nasa 20 namang mga Filipino transgender ang umalis na sa kanilang hotel at bumalik na sa bansa matapos makatanggap ng mga banta.

Nanawagan naman si De Vega sa mga Filipino abroad na laging rumespeto sa mga lokal ng ibang bansa upang ma-maintain ang magandang pangalan ng mga Pilipino.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Thai Police kung ang mga Pilipinong nasangkot sa rambulan ay ilegal na nagtatrabaho sa Thailand.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *