2 pulis na nagpapakalat ng crime scene video ni Ronaldo Valdez – sibak

Sinibak na sa pwesto ang dalawang pulis na sangkot sa pagpapakalat umano ng kuha sa crime scene video ng aktor na si Ronaldo Valdez.

Ito ang sinabi ni PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo sa pulong balitaan sa Camp Crame.

Kinilala ang mga sinibak na sina Police Senior Master Sergeant Wilfredo Calinao at Police Corporal Romel Rosales.

Sasampahan ang mga pulis ng paglabag sa Data Privacy Act at Irregularity in the performance of duty.

Habang ni-relieve na rin sa pwesto at tinitingnan ang command responsibility ni Police Lieutenant Colonel Reynante Parlade, Commander ng Police Station 11 ng QCPD.

Nasa holding and accounting unit na ng QCPD ang mga pulis.

Samantala, tatlong sibilyan ang iniimbestigahan dahil sa pag-upload umano ng sensitibong kuha sa crime scene ni Valdez.

Paliwanag ni Fajardo, isang regretabble incident kung maitururing ang nangyari dahil hindi na umano ito dapat kumalat.

Sa ngayon, pinatake-down na ng PNP ang lahat ng social media pages na nagupload ng naturang video sa crime scene.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *