2 senior, hinampas sa ulo ng mga nanloob sa kanilang bahay sa Laguna; 1, patay

Duguan nang matagpuan ang isang babaeng senior citizen sa kwarto nang marining ng kapitbahay ang paghingi nito ng tulong.

Pinasok ang kanilang bahay ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Lamot Dos sa Caluan, Laguna nitong Huwebes ng madaling araw.

Sa kabilang kwarto naman kung saan nakahiga ang kapatid nitong lalaki na isa ring senior citizen ay natagpuang wala na itong buhay.

Ayon sa Caluan Police, may nakaalitan ang lalaking senior citizen sa barangay isang buwan na ang nakalipas.

May dalawang persons of interest na ang naturang himpilan at posible raw na matinding galit ang sanhi ng krimen.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *