2 suspek sa ilegal na pagbebenta ng vaccination slots, kinasuhan na ng PNP

Kinasuhan na ng Philippine National Police (PNP) sa Mandaluyong City Prosecutor’s Office ang dalawang suspek sa likod ng sinasabing pagbebenta ng vaccination slots.

Sa isang statement, tinukoy ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang dalawang mga suspek na sina Cyle Cedric Soriano Bonifacio, na una nang sumuko sa mga otoridad at si Melvin Polo Gutierrez. 

Kinasuhan ang dalawa ng estafa at paglabag sa Anti-Red Tape Law of 2007 at Cybercrime Prevention Act of 2012. 

Sinabi ni Eleazar na noong sumuko si Bonifacio sa kapulisan, pinangalanan nya si Gutierrez na isang fire at barangay volunteer na tumulong umano sa kanyang makakuha ng vacination slot.

Inihayag umano ni Bonifacio na isang beses lamang ito sumali sa transaksyon at nakatanggap ng P12,000 sa pamamagitan ng online bank transfer. 

Dito na umano nagka-ideya si Bonifacio na i-offer ang vaccination slots kapalit ng pera at tinangkang ialok ang serbisyo sa kanyang dating high school classmate.

Hinala ni Eleazar, mayroon pang ibang taong sangkot sa kalakaran. 

Tiniyak naman ng PNP sa publiko na iniimbestigahan ng Criminal Investigation and Detection Group at ng PNP Anti-Cybercrime Group ang illegal scheme. 

Nagpaalala rin si Eleazar sa publiko libre lang ang mga bakunang inaalok gn mga lokal na pamahalaan at di kailangang maglabas ng pera para mabakunahan laban sa COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *