2 suspek sa pamamaril sa isang senior citizen sa Maynila, arestado

Naaresto ng mga awtoridad ang dalawang suspek na bumaril at pumatay sa isang senior citizen sa Ermita, Maynila nitong lunes.

Naganap ang insidente ng pamamaril sa Jorge Bocobo Street corner Engracia Reyes Street, na humantong sa pagkamatay ng biktima na kinilalang si Paulina Vergara Antoni, animnaput tatlong taong gulang.

Batay sa nakitang CCTV footage, matapos ang insidente, sumakay ang gunner sa isang motorsiklo na minamaneho ng isang rider.

Sa patuloy na follow-up operations at CCTV footage backtracking na isinagawa ng mga tauhan ng Ermita Police Station 5, ay matagumpay nilang natukoy at nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Abdulgani Mansore Said, gunman, at Morsid Omal Pendatun, ang rider ng motorsiklo.

Nasa kustodiya na ngayon ng Manila Police District-Criminal Investigation Section (MPD-CIS) ang mga nadakip na suspek na mahaharap sa reklamong homicide.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *