2 suspek, timbog sa pamemeke ng ID sa Maynila

Inaresto ng mga pulis ang 2 suspek sa Maynila matapos makatanggap ng reklamo ang Manila Department of Social Welfare ukol sa pamemeke at pagbebenta ng mga person with disabilities (PWD) IDs.

Tiklo ang dalawa sa isang entarpment operation matapos kumagat sa isang pulis na nagpanggap na buyer.

Inaresto ang lalaki at itinuro ang lugar kung saan sila nag-iimprenta ng mga naturang identification cards.

Dito tumambad na ang mga printer, typewriter at laminator machine na ginagamit sa pamemeke ng ID.

Ayon sa pulisya, talamak ang ganitong klaseng krimen na inaalok online sa halagang P1,500.

Mahaharap sa kasong falsification of documents at manufacture and possession of instruments ang mga suspek.//JCJ

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *