2 Taiwanese na gumagamit ng pekeng ID sa Makati, tinutukan ng DOJ

Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) na naging trend na ngayon ang paggamit ng pekeng ID ng mga dayuhan para makakilos sa kanilang ilegal na aktibidad.

Sinabi ni DOJ Spokesperson Mico Clavano na kanilang tinutukan ang kaso ng dalawang Taiwanese National na may hawak na pekeng 9G visa at nadakip sa Makati City.

Ang 9G visa ay ibinibigay sa mga dayuhan para maging lehitimo ang pagtatrabaho sa bansa.

Inaalam na ng ahensya kung saan ipinagawa ng mga suspek ang kanilang pekeng visa at mga fake government IDs na halos authentic o tunay ang pagkakakopya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *