2 tauhan ng BI, sibak sa pwesto matapos makatakas ang binbantayang foreign national

Sinibak sa pwesto ang dalawang job order personnel ng Bureau of Immigration.

Ito’y matapos makatakas ang binabantayan nilang Jordanian national na dumalo sa kanyang court hearing sa Makati City noong January 16.

Kinilala ng BI ang dayuhan na si Tarek Nihad Siam, 47, na nahuli sa bansa noong 2022 dahil sa kasong gun possessions at ophysical injuries.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, ibinyahe ang dayuhan sa Makati City Regional Trial Court Branch 237 para dumalo sa pagdinig sa kinakaharap niyang kaso.

Matapos ang pagdinig ay nagpaalam ito na iihi pero hidni na ito lumabas sa banyo hanggang sa madiskubreng nawawala na ito at hinihinalang tumakas sa maliit na bbintana ng rest room.

Ipinag-utos na ni Tansingco, ang manhunt operation laban sa dayuhan.

Samantala, ang team leader ng dalawa ay posibleng maharap din sa reklamo dahil sa insidente.

Ipinag-utos na rin ni Tansingco ang pagsasampa ng reklamo laban sa 3 empleyado dahil sa kapabayaan sa pagtakas sa dayuhan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *