2 timbog sa drug buy-bust sa Real, Quezon; Baril at hinihinalang shabu, nasabat

Timbog ang dalawang lalaki matapos ang ikinasang drug buy-bust operation ng Real Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Malapad ng nasabing bayan nitong Sabado, Enero 27.

Ayon sa police report, bandang alas-12:55 ng tanghali nang ikasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto kina alyas “Dan”, 58-anyos, residente ng Siniloan, Laguna; at alyas “Ernie”, 51-anyos.

Sa gitna nito, narekober kay alyas Dan ang tatlong (3) sachet ng hinihinalang shabu, buy-bust money, isang (1) improvised shotgun at labindalawang (1) piraso ng bala habang isang (1) sachet naman ng hinihinalang shabu ang nakuha kay alyas Ernie.

Samantala, tinatayang aabot naman sa ₱92,000 ang halaga ng hinihinalang shabu na nasamsam sa mga suspek.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng awtoridad ang mga suspek para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *