20 huli sa paglalaro ng Tupada sa Batangas

CALATAGAN – Arestado ang 20 indibidwal dahil sa paglalaro ng iligal na sabong o Tupada sa Barangay Biga, Calatagan, Batangas kahapon ng Linggo.

Sa panayam ng Brigada News FM Batangas kay Police Major Ronnie Baliwag Aurellano, Acting Chief ng Calatagan Municipal Police Station, sinabi nitong akto nilang naabutan ang mga suspek na naglalaro ng sabong sa kanilang ikinasang anti-illegal gambing operation.

Narekober mula sa mga suspek ang 10 buhay na manok, apat na patay na manok, 12 tari at perang nagkakahala ng 10,150.00 pesos.

Ayon kay Aurellano, tinatayang nasa 50 katao pa na kasama rin sa iligal na sabong ang nakatakbo matapos na dumating ang kanilang puwersa sa area.

Dagdag pa nito na halos isang buwan rin nilang isinailalim sa monitoring ang tupada sa lugar sa tulong ng kanilang intelligence unit at concern citizen sa lugar.

Nakadetina na ang mga suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa PD 449 o “Cockfighting Law of 1974”. | Mike Salgado

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *