20% sa kabuuang bilang ng mga kapulisan sa Camarines Sur, bakunado na

NAGA CITY—Tinatayang aabot sa 50 kawani ng Philippine National Police sa Camarines Sur simula noong nakaraang Abril 2021 hanggang sa kasalukuyan ang tinamaan ng COVID-19.

Ito ang sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLTCOL Louie Dela Peña, tagapagsalita ng Camarines Sur Police Provincial Office.

Kasunod din aniya nito ang pagsasailalim  sa lockdown ng ilang PNP stations kung saan ang pinakahuli ay ang San Fernando MPS.

Hindi naman aniya maiiwasan kahit nag-iingat ang mga ito na madapuan ng sakit dahil sa uri ng trabaho sa labas na kanilang ginagampanan.

Samantala, nasa 20% na ng kabuuang bilang ng mga PNP personnel sa mga PNP stations ang nababakunahan na o mga fully vaccinated na habang  90% naman na kapupulisan na naka-assigned sa PPO ang naturukan na ng bakuna.

May ilan din aniyang Pulis ang ayaw magpabakuna dahil sa personal na rason bagay na nirerespeto umano ng Pambansang Pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *